Sa palatuntunang UP Fight: Isang Pagdiriwang ng Utak at Pusong Palaban, binigyang-pugay ng komunidad ng UP ang mga iskolar-atleta ng Pamantasan.
Sa pangunguna ng UP Office for Athletics and Sports Development (OASD), kinilala ang mga nakamit na tagumpay ng UP Fighting Maroons, na may kabuuang 172 puntos at nasa ikalawang puwesto sa general championship sa collegiate level sa pagtatapos ng unang semestre ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 86.
Ayon sa The UAAP Facebook page, itinanghal na kampeon ang UP MenÂé¶¹ÊÓÆµ Judo Team (UPMJT) at ang UP WomenÂé¶¹ÊÓÆµ Varsity Swimming Team (UPWVST).


Ayon din sa nasabing Facebook page, nagkamit ng mga indibidwal na parangal sina Fierre Afan (menÂé¶¹ÊÓÆµ judo), Matthew Alumbres (menÂé¶¹ÊÓÆµ swimming), Olympia Ducanes (girls’ table tennis), Nathan Egea (boys’ basketball), Francis Lopez (menÂé¶¹ÊÓÆµ basketball), at Favour Onoh (womenÂé¶¹ÊÓÆµ basketball) bilang Rookie of the Year / ROY. Sina John Viron Ferrer (menÂé¶¹ÊÓÆµ judo) at Alhryan Labita (menÂé¶¹ÊÓÆµ athletics) ay nagkamit ng indibidwal na parangal bilang Most Valuable Player / MVP. Samantala, nakamit ni Quendy Fernandez (womenÂé¶¹ÊÓÆµ swimming) ang ROY at MVP, habang si Malick Diouf (menÂé¶¹ÊÓÆµ basketball) ay pinarangalan bilang Mythical Five Member.

Pinarangalan din ang iba pang koponan: ikalawang puwesto sa menÂé¶¹ÊÓÆµ athletics, menÂé¶¹ÊÓÆµ basketball, at womenÂé¶¹ÊÓÆµ badminton; ikatlong puwesto sa boys’ swimming, girls’ swimming, menÂé¶¹ÊÓÆµ badminton, menÂé¶¹ÊÓÆµ chess, menÂé¶¹ÊÓÆµ swimming, at womenÂé¶¹ÊÓÆµ basketball; at ika-apat na puwesto sa womenÂé¶¹ÊÓÆµ athletics, womenÂé¶¹ÊÓÆµ beach volleyball, womenÂé¶¹ÊÓÆµ judo, womenÂé¶¹ÊÓÆµ taekwondo kyorugi, at team taekwondo poomsae.
Nasa ikalimang puwesto naman ang mga koponan sa cheer dance, girls’ table tennis, menÂé¶¹ÊÓÆµ taekwondo kyorugi, womenÂé¶¹ÊÓÆµ chess, womenÂé¶¹ÊÓÆµ table tennis; ika-anim na puwesto ang boys’ table tennis, boys’ taekwondo kyorugi, menÂé¶¹ÊÓÆµ beach volleyball, at menÂé¶¹ÊÓÆµ table tennis; ikapitong puwesto ang boys’ volleyball; at ikawalong puwesto ang boys’ basketball at girls’ volleyball.

Samantala, pinasalamatan ng OASD ang mga grupo at indibidwal na patuloy na sumusuporta sa mga koponan sa iba’t ibang paraan. Binigyang-pagkilala rin ang mga manlalaro sa ikalawang semestre ng UAAP Season 86, at inanunsiyo ang pagiging host ng UP sa UAAP Season 87.
Ginanap ang pagdiriwang noong ikalawang linggo ng Pebrero sa Teatro ng Unibersidad.

- Share: